Nan Biag Mid Ili- Jinky Boto-og Entry
ANG BUTIL Ang mais. Ano pagtatanim ng mais ay mahirap. Kailangan mo pang siguraduhing ang lupang pagtataniman mo ay angkop dito. Bubungkalin tsaka tataniman ng mga butil ng mais. Ito ay kinakailangang asikasuhin ng hindi matuyo o kaya'y mapeste. Didiligan ng sapat na tubig at lalagyan ng abono hanggang sa lumaki. Wag ding kalimutang bisitahin paminsan-minsan para masiguradong ito ay malusog at maganda. Paglipas ng panahon, ito ay magbubunga. Ang isang butil ng mais na itinanim ay magiging libo pag ito'y pipitasin. Ito ay iuuwi at lulutuin, maaaring gilingin at pweding gawing ibat- ibang putahe ng pagkain. Sa isang mala-paraisong lugar sa hilaga ng probinsiya ng Sagada, ang mga batang ito ay bibigyang buhay ng kanilang mga magulang. Iluluwal sa paraisong ito na bigay ng panginoon at bibigyan ng mga pangalan hindi lang isa kundi dalawa na galing pa sa mga mismo naming mga ina at ama at ang mga iba ay pangalan ng mga namayapang lolo ...