Nan Biag Mid Ili- Inan Omag 1st Place
- Get link
- X
- Other Apps
- NAN BIYAG MID ILI-inan omagDEAR GAYYEM: UNTIL THEN, REMEMBER WHENYou had always called for me to come homeTo where our hearts once belongTo ili that we had since loved and adoredThe ili that had seen us in our WORST and honed us to be the BEST.Lumaki tayo sa ating ILI-sariling bayanMay kanya kanyang natatanging karanasanHinubog mula pagkabata hanggang pagtandaSusunod na henerasyon matututo at matutuwa sila.Nan Biyag mid ILI payak at simpleTunay na saya, hind sa damit, gamit at sasakyang magaraHangin na sariwa, prutas at gulay ay saganaMga tao alam ang “INAYAN” at “LAWA”Lugar ay payapa, tao nagkakaintindihan sila.Nan Biyag Mid ILI pictures who really are weRooted with deep culture, traditions, values making us extra ordinaryIt may di0er from before to contemporary due to developments andtechnologyBut we will always be the same- full of respect, love, hospitality and willproudly stand with DIGNITY.Nan Biyag mid ILI may seem boring unless you STAYAway from the busy streets and glaring lights of the cityChildren spend their vacation days not on beaches but on streamsParents not on Sando/shorts nor glasses on but with working clothes, gloves,boots from dusk till dawn.Nan Biyag mid ILI, no Mc Donald’s or JollibeeNo Center mall, SM or Session Road sa tabiNo BCS, parks or country musicNo wines, no sizzling sisig, no pancit or chicken joyBut it is enough to savor the diket, bungsos, etag, sabeng or tapey.Nan biyag mid ili maraming bawal at hindi pwedeMagsuot sa labas ng shorts, sando o bikiniWala mang SANTA CRUZAN para gown at makeup pabonggahanNgunit kapag Begnas o Kasalan, bidang bida si tapis na pinagpagan.Kahit na maraming bawal pero hindi nawawala ang bayanihanVery evident tuwing may patay, magpatayo ng bahay o kasalanSa sakuna, silay nagdadamayan sa kanilang pangangailanganWalang kanya kanya, hindi ka babangon mag-isa.Ating balikan gayyem ang saya ng nakaraanNoong ating kamusmusan at kabataanTumanda tayo at kailangan nating iwanHindi bat tuwing may pagkakataon, pagbalik ang hangad at sana ay agadagad?
- Pamilyang pinanggalingan natin, isang kahig isang tukaMga magulang natin nakatapos lang ng elementaryaHindi man edukada ay hindi nagkulang sa paalalaKabutihang asal huwag kalimutan, pinakamataas na antas iyo mangmakakamtan.Kabilinbilinan ni Ama at Ina kinagisnang TRADISYON at KULTURASa araw araw na ika’y magising gamitin mo sanaAral ng nakaraan isa-puso at pakatandaanMagsisilbing gabay sa maganda mong kinabukasan.Laro nating gag-allo, tagutagu-an o syatong kayaGumawa ng maraming banga gamit ating ihi, dura at lupaSa dahon ng saging unang natutong sumulat ng magandaAt sa lata ng sardinas unang natutong magluto ng bigas.Oh, walang kasing saya. Walang katulad!Kung gustong tumalon, sa damuhan ang punta upang baging ay kumuhaKung may tsinelas, maglaro ng benbenjing o kaya ay tumba lataNgunit natatandaan mo pa ba ang tsinelas mong bago na hindi mo ginamitbagkus iyong binitbitPagkat ayaw mong maluma dahil sa eskwela pwede kang walang sapin sapaaBasta uniporme ay malinis at bagong laba?Sa paaralan naman ay dala dala maliit mong kapatidPag may gawain, si maestra ang mag-aalaga at kagyat na iidlipSi ama at ina ay nandoon sa bukidUmaasang mag-aaral tayo ng mabuti para kinabukasan ay maganda anghatid.Kay higpit ng magulang at guro natin noonKung ikay nagkamali magtitiis ka sa parusa maghaponBata ay disiplinado, agad susunod sa utosNgunit wag ka!, walang child labor noon o kaya ay child abuse.Betamax ay di man lang naranasan, mamasyal sa siyudad hindi kailanmanBasta’t ang inaasam pista ay mangyari naWala mang pera, bakit kaya ang lahat magigising, maliligo ng maagaKasi naman andaming tao, parada, bagong mukha makikitaWala man tayong pera, bakit kaya ang sya ay kakaiba?Nang tayo ay magdalaga at binata ay natuto tayong mangarapBalang araw, hindi tayo makakaranas ng hirapBecause even after nating napuyat sa kwentuhan natin kagabiAng sabi ni ama, wake up early, sa bukid ay magtanim ng palay o kamote.Isa sa pinakamasayang sandali natin noon pag isinigaw ang ubayaPagod na katawan kagyat na mamamahingaBukas makalawa, BEGNAS naman ang magaganapSa dap-ay, tayo ay magkikita kitaOh napakagandang musika- sumayaw sa saliw ng gangsa.Binata’t dalaga tuwing may kasalan, ikinakatuwaSa sayawang magaganap, isasayaw ako ni crush
- Mga kaganapang sa atin ay sapatLahat masaya, nagkakaunawaan lahat.At ngayon, halika na, ikaw ay umuwiAnd then we will reconnect again and reminisce those days beautifullyThe serenity, the wonderful people, co0ee and many more to mentionThe best option to =nd peace, meditation and fascinating attractions.Gayyem, kay tagal ng panahong hindi ka umuwiMaraming nagbago at magagandang pangyayaripaniniwala at turong aral ng matatanda ay hindi pa rin nawalaalam ko na saan ka man napadppad, sa puso mo, ang ili ay walang katulad.Tay diba the Best nan Biyag ad ILI.Lovingly,Nailiw ay gayyem.(Ann L. Agwiking)
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment